172 Pinoy Pilgrims na nagtungo sa Israel nakasailalim na sa self isolation

0
20

Nakasailalim na sa self isolation sa Naga City ang 172 pinoy pilgrims na nagtungo sa Israel kamakailan lang.

Umuwi ng Camarines Sur ang mga naturang Pinoy Pilgrims sa magkakasunod na araw nuong March 7 hanggang 11.

Kaagad silang pinahanap ng lokal na pamahalaan para maabisuhang mag self quarantine.

Ipinaalam din sa kanila ang protocols na dapat nilang sundin sa loob ng 14 na araw.

Sinabi ni Naga City Mayor Nelson Legacion na tatlo sa kanila ay kinuhanan na ng swab sample para mapasuri sa coronavirus disease COVID-19.

Pinayuhan din ang mga ito na kaagad magpasuri sa sandaling makaranas ng sintomas ng flu.