28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Pimentel bigyan ng pagkakataon magpahinga dahil sa COVID-19 — PDP-Laban

- Advertisement -

Hinihikayat ng PDP-Laban ang publiko na bigyan ng oras si Senator Koko Pimentel na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) bago harapin ang National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, makatwiran naman ang ginawa ng NBI na paghingi ng paliwanag mula sa senador sa umano’y paglabag nito sa quarantine protocols.

Gayunman, bigyan naman aniya ang senador ng ilang linggo na makapagpahinga at makarekober sa COVID-19.

Matatandaang, binatikos ang senador sa umano’y pag-expose nito sa mga ilang health workers at pasyente sa COVID-19 nang pumunta ito sa Makati Medical Center kasama ang kanyang asawa, ilang oras bago makumpirma sakanyang resulta na positibo ito sa sakit.

Samantala, si Pimentel ay isa sa apat na opisyal ng gobyerno na pinagpapaliwanag ng NBI kaugnay sa umanoy paglabag sa batas kasama ang iba pang lokal na opisyal gaya nalamang ni Pasig Mayor Vico Sotto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -