“I will support and defend you”
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga health workers sa bansa na nakakaranas ng diskriminasyon at pananakit.
Ayon sa Pangulo, nakarating sakanya ang ulat na may mga doktor, nurse o health workers na hindi nakakauwi sakanilang bahay dahil tinatapunan umano ng kemikal na nakakasira ng katawan.
Dahil dito, inutusan ng Pangulo ang mga pulis na maglibot at hulihin ang sinomang mananakit ng mga health workers.
Iginiit ng Pangulo, ang mga health workers sa bansa ay dapat na pinoprotektahan gayung sila ang nangunguna sa gyera ng bansa laban sa COVID-19.