31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Duterte nagbabala sa mga gagawa ng gulo sa gitna ng krisis sa COVID-19

- Advertisement -

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang grupo na naghahanap ng gulo laban sa gobyerno sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Ito ay matapos na magkaroon ng gitgitan sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pag-Asa, Quezon City kahapon dahil sa paghingi ng mga ito ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan at gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya ma-aatubiling ipaaresto o ipabaril at ipapatay sa mga militar at pulis ang mga makakaliwang grupo.

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na ang rebeldeng grupo ng kadamay ang responsable sa nangyaring protesta na nauwi sa riot, dahil sa pagpakalat umano ng mga ito ng maling impormasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -