Pilipinas una sa Asya na nagpatupad ng quarantine —Duterte

0
38

Una ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na nagpataw ng quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung hindi nagpatupad ng lockdown ang Pilipinas ay malamang mas mataas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Katunayan kasi aniya, nakapasok na ng bansa ang virus sa nakalipas na mga buwan at hindi lang alam ng mga tao.

Samantala, sinabi pa ng pangulo na ideya ng mga doktor sa bansa ang pagpapatupad ng lockdown at kanya lamang naisip ang social distancing.