COVID-19 fatality rate sa bansa mas mataas sa global average

0
12

Mas mataas na ang porsyento ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na namamatay sa Pilipinas kumpara sa karaniwan sa buong mundo.

Ayon kay Health undersecretary Lilibeth David, ang case fatality rate ng COVID-19 sa buong mundo ay 6.4% kung saan mas mataas pa ang naitala ng bansa na 6.6%.

Dahil dito, ang Pilipinas na ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Timog-Silangang Asya.

Samantala, nasa 0.28% na ngayon ang iniaambag na kaso ng pagkasawi ng Pilipinas mula sa kabuulang bilang sa buong mundo na umaabot sa 1,914,916.