Antibodies vs. COVID-19 posibleng ilabas sa mga susunod na araw —Duterte

0
15

Ipinabatid ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ilabas na sa mga susunod na araw ang “killer antibodies” o gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Magugunitang una nang sinabi ng pangulo na mayroong malaking pharmaceutical ang nakabuo na ng antibody panlunas sa COVID-19 na nakatakdang ipalabas sa buwan ng Mayo.

Sakali naman aniyang mabili na ito ng maramihan at mabigyan ng quota ang bansa ay aalisin na aniya ang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Samantala, bukod sa medisina, ay maaari rin aniyang mailabas na sa susunod na taon ang bakuna laban sa sakit.