Pilipinas posibleng sa Hulyo 2021 pa magkakabakuna vs. COVID-19 —DOST

0
19

Posibleng sa Hulyo 2021 pa magkakaroon ang Pilipinas ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, magsisimula pa lamang kasi ang isasagawang clinical trials sa apat o limang bakuna mula sa mahigit 200 Pilipino sa Setyembre.

Aniya, bahagi ito ng solidarity trials na pinamumuuan ng World Health Organizations (WHO) sa maraming bansa.

Dagdag pa ni Guevarra, mahalaga ring masubukan muna ang mga bakuna sa mga piling indibidwa upang matiyak na mabisa ito at ligtas na ibigay sa nakararami.

Bukod dito ay kailangan din umanong aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna at susuriin din aniya ito ng ethics review board ng pamahalaan.

Samantala, matatandaan namang una nang inihayag ni Pangulong Duterte na posibleng bumalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa pagsapit ng Disyembre kapag nabigyan na ng bakuna ang Pilipinas ng China.