Isa ang Pilipinas sa pinakamababa magpasweldo sa mahigit 100 bansa.
Ito ay batay sa international e-commerce website na Picodi.com kung saan pang 95 ang Pilipinas sa 110 bansa pagdating sa pagpapasweldo sa mga manggagawa.
Sa ngayon ay may average salary ang bansa na P15,200 na malayo sa number one ranking na Switzerland kung saan pumapalo ang kanilang salary average sa P296,000.
Ikinalulungkot naman ng labor group na Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang naturang resulta.
Para kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, isa itong patunay na malaki ang tyansang lumipat sa ibang bansa ang mga mangagawang Pilipino upang makapagtrabaho, kung saan anila’y mas malaki ang sahod at maganda ang benepisyo.