Pangulong Duterte mas ligtas vs COVID-19 sa Davao City —Spox

0
10

Mas ligtas ang pangulo kapag nasa Davao kaysa sa Maynila.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, kasunod ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa tanggapan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) bukod pa sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at ibang departamento ng Malakanyang.

Ayon kay Roque, bagamat nasa Maynila ang Malakanyang ay nandito naman ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Hindi naman aniya maaaring sabihan ang virus na huwag pumasok sa Palasyo.

Matatandaang dapat noong isang linggo pa babalik ang pangulo sa Malakanyang pero dahil sa banta ng COVID-19 ay nanatili muna ito sa Davao.

Tinitiyak naman ni Roque na nasa maayos na kalusugan ang pangulo ngayon at sumusunod sa payo ng doktor nito na tumigil sa pag-inom ng alak upang hindi na lumala ang barrett’s esophagus nito.