Duque handang humarap sa Senado para sa imbestigasyon sa PhilHealth anomalies

0
11

Handa si Health Secretary Francisco Duque III na muling humarap sa Senado.

Ayon kay Duque, ang pagdalo sa Senado ay oportunidad para malinis niya ang kanyang pangalan hinggil sa anomalya sa PhilHealth.

Inamin naman ni Duque na masakit sakanya at sakanyang pamilya na tawagin bilang “god-father” ng umanoy mafia sa ahensya.

Gayunman, kung mayroon aniyang matibay na ebidensya na magdidiin sakanya sa katiwalian, ay mananagot aniya ang dapat managot.

Samantala, pinasasalamatan naman ni Duque si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) dahil sa paglilinis nito sa hanay ng PhilHealth.

Inirerekomenda naman ni Duque sa Kamara na magtalaga ng presidente at CEO sa PhilHealth na fixed-term at gawin na lamang na ex-officio member ang DOH secretary.