Thursday, May 9, 2024

Pilipinas mag-aangkat ng galunggong sa China at Vietnam —BFAR

- Advertisement -

Mag aangkat ang Pilipinas ng galunggong para tugunan ang kakulangan ng suplay na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa gitna ng pagsirit ng presyo ng galunggong hanggang tatlong daang piso kada kilo.

Ayon kay BFAR director Eduardo Gongona, nasa 45,000 metriko toneladang galunggong mula China at Vietnam ang aangkatin ng bansa.

Sapat ito para punan ang kakulangan at hindi na tumaas pa ang presyo ng naturang isda.

Samantala, tinukoy ni Gongona na ang fishing ban na umiiral sa palawang ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Aniya, 92% ng galunggong sa bansa ay nanggagaling sa naturang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img