Justice Edgardo Delos Santos nanumpa na bilang bagong mahistrado ng SC

0
13

Nanumpa na si Justice Edgardo Lao Delos Santos bilang pinakabagong mahistrado ng Korte Suprema.

Isinagawa ang oath–taking ni Justice Delos Santos ngayong Biyernes, Disyembre 6, sa Session Hall ng Supreme Court sa pangunguna ni Chief Justice Diosdado Peralta.

Nakilala si Justice Delos Santos bilang ‘Judge Habal–Habal’ dahil nag mo-motorsiklo lamang ito nuon para ihatid ang kanyang may bahay at mga anak sa eskwelahan nuong municipal trial court judge palamang sya sa Dumaguete City.

Nagtapos siya ng abogasya sa Univesity of San Carlos sa Cebu City at naging executive judge ng Court of Appeals sa Visayas nuong 2018.

Una nang nanumpa bilang bagong associate justice ng Korte Suprema si Justice Mario Villamor Lopez mula naman sa San Beda College.

Inaasahang magtatalaga pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng isa pang mahistrado para makumpleto ang 12 mahistrado ng SC.