Pilipinas bukas sa clinical trials ng mga COVID-19 vaccine mula ibang bansa —DOST

0
26

Bukas ang Pilipinas sa clinical trials ng mga bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa iba pang mga bansa.

Ito ang paglilinaw ng Department of Science and Technology (DOST), kasunod ng alok ng Russia na ‘Sputnik V’ vaccine.

Ayon kay DOST Undersecretary at chairperson ng Sub-Technical Working Group on Vaccine Development Rowena Cristina Guevarra, nakikipag-dayalogo na sila sa iba pang bansa gaya ng America, Australia at Europa.

Samantala, matatandaan namang una nang sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na nakapagcommit na ang Pilipinas sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) partikular na sa clinical trial phase 3 ng apat hanggang limang bakuna na nagpre-qualify.