Ayuda para sa anumang kalamidad kasado na —DSWD

0
35

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga relief goods at cash assistance para sa paparating na bagyo.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, aabot sa P661-milyon ang kanilang hinandang pondo pang ayuda.

Aniya, nasa 300,000 naman ang nakaantabay na family food packs at iba pang food items na nagkakahalaga ng P250-milyon habang nasa P400-milyon naman para sa non-food items.

Samantala, nilinaw naman ni Bautista na ang mga local government units (LGUs) ang unang responders sa anumang kalamidad at responsable para sa disaster preparedness, mitigation at response, habang ang DSWD naman ay magbibigay ng Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA) sa mga lokal na pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng pagdagdag ng kanilang mga resources na kailangan sa pagtugon sa mga maapektuhang pamilya.