Manila gov’t bumili ng P13-M halaga ng Remdesivir vs. COVID-19

0
32

Bumili ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ng 2,000 vials ng Remdesivir para gamutin ang mild, moderate at severe patients ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Isko Moreno, nagkakahalaga ng P6,500 ang kada vials ng Remdesivir dahilan para umabot sa P13-milyon ang nagastos ng lungsod.

Gayunman, mas mababa pa rin aniya ito kumpara sa market price na P20,000 kada isa.

Nilinaw naman ni Moreno na hindi bakuna ang Remdesivir at isa lang aniya itong anti-viral medication.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang naturang gamot ay hindi mabibili over-the-counter at gagamitin lamang sa mga ospital sa lungsod ng Maynila.