Sunday, April 28, 2024

Philippine Red Cross may paalala sa mga deboto na makikilahok sa Traslacion 2020

- Advertisement -

Muling nagbigay ng paalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga deboto na dadalo sa Traslacion ngayong taon.

Ayon kay PRC chairman Senador Richard Gordon, mabuting siguraduhing hydrated ang mga lalahok.

Aniya, hydration problem ang karaniwan nilang nakukuhang reklamo sa naturang pista.

Dagdag pa ni Gordon, magtatayo sila ng mga water stations sa ruta ng prusisyon.

Iginiit din ng senador na mas makabubuti kung magdadala ng sariling tubig ang mga deboto.

Sa kabila nito, nakiusap si Gordon na siguruhin na mapapanatili ang kalinisan ng paligid sa Traslacion 2020.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -