Pagbibigay-ayuda sa mga ‘middle class’ families pinag-aaralan na

Pagbibigay-ayuda sa mga ‘middle class’ families pinag-aaralan na

by Powered by DWIZ
60 views

Pinag-aaralan na ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilya na kabilang sa middle class.

Ito ay matapos na umapela sa Malacañang si Cavite Governor Jonvic Remulla na pagsama sa mga middle-income families sa social amelioration program ng gobyerno.

Magugunitang sinabi ng pangulo na bagamat may punto si Remulla ay problema pa rin ang kakulangan ng pondo.

Gayunman, maaari naman aniyang isama ang middle class sa susunod na pagbibigay ng tulong ng pamahalaan.

0 comment

Related Posts