PH volleyball team wagi sa unang laban ng men’s division sa 2019 SEA Games

PH volleyball team wagi sa unang laban ng men’s division sa 2019 SEA Games

by Powered by DWIZ
15 views

Nagwagi ang Philippine Volleyball Team sa unang laban nito sa men’s division ng 2019 30th South East Asian Games (SEA Games) na ginanap sa Phil. Sports Arena sa Pasig City.

Naitalang top scorer sa koponan ng bansa ang dating five time MVP ng UAAP na si Marck Espejo na nagpasok ng 21 puntos mula sa final score na 29-27, 25-17 at 25-17.

Nakatakda namang muling sumabak sa laban ang men’s team sa Miyerkules para harapin ang Vietnam.

0 comment

Related Posts