Sasakyang pandigma ng U.S ipinagbabawal na makadaan sa Hong Kong

Sasakyang pandigma ng U.S ipinagbabawal na makadaan sa Hong Kong

by Powered by DWIZ
11 views

Hindi na maaaring makadaan sa Hong Kong ang mga barkong pang giyera at ano mang uri ng sasakyang militar ng Estados Unidos.

Ito ay kasunod ng pagbabawal ng China na magtungo pa sa Hong Kong ang mga U.S military dahil sa suportang ipinapakita nito sa mga nagkakasa ng kilos protesta sa Hong Kong.

Matatandaang nakaraang linggo lamang ay pinirmahan ni U.S President Donald Trump ang panukalang Hong Kong Human Rights and Democracy Act na naglalayong patawan ng parusa ang mga nag uulat sa mga nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong.

Samantala, nakapaloob rin sa pinirmahang batas ni Trump ang pagsuspinde ng special trading status sa Hong Kong.

0 comment

Related Posts