PH nasa ika-69 puwesto sa pinakamasasayang bansa sa buong mundo

0
49

Nakuha ng Pilipinas ang pang-animnapu’t siyam (69) na puwesto sa pinakamasasayang bansa sa buong mundo.

Sa 2019 World Happiness Report, naungusan ng Pilipinas ang ilang kalapit na bansa sa Asya gaya ng Hong Kong na nasa pitumpu’t anim (76) na puwesto, Malaysia na nasa ika-walumpung (80) puwesto, Indonesia na nasa pang siyamnapu’t dalawa (92) habang nasa pang siyamnapu’t tatlo (93) ang China na sinundan ng Vietnam.

Inilabas ang ranking ng happiness levels ng isandaan at limampu’t anim (156) na bansa sa mundo base sa iba’t ibang batayan gaya ng life expectancy, social support at korupsyon.

Samantala, nanguna naman sa listahan ang Finland na itinanghal na pinakamasayang bansa sa mundo sa ikalawang sunod nang taon.

Pumangalawa ang Denmark, pangatlo ang Norway na sinundan ng Iceland at The Netherlands.

Samantala, South Sudan naman ang nasa dulo ng listahan.

—-