Monday, May 6, 2024

Isang school bus lulan ang 50 estudyante sa Italy hinijack

- Advertisement -

Nailigtas ang mahigit 50 estudyanteng sakay ng school bus na hinijack at sinilaban ng mismong driver nito sa Italya.

Nagulat na lamang mga estudyante nang nag-iba ng ruta ang drayber at nagdeklara ng hijack.

Pinagkukuha ng driver ang cellphone ng mga pasahero at iginapos pa ang mga estudyante.

Sinilaban ng 47-anyos na suspek ang bus gamit ang gasolina.

Masuwerte na lamang at nakatawag ang isa sa mga estudyante sa pulisya para humingi ng saklolo.

Agad rumesponde ang mga pulis at itinakas sa ang mga estudyante sa binasag na bintana ng bus.

Naaresto naman ang suspek na sinasabing kontra sa ipinatutupad na migration policy sa Italya.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img