Friday, May 17, 2024

Isyu ng proposed 2019 national budget hangad na malutas — Legarda

- Advertisement -

Inaasahan na ang muling paghaharap ng ilang senador at kongresista sa darating na Lunes, upang tuluyang resolbahin ang isyu sa panukalang pambansang pondo.

Ayon kay Senate committee on finance Loren Legarda, nakatakda niyang pangunahan ang Senate contingent na ito kung saan makakasama niya si Sen. Panfilo Lacson at Gringo Honasan, kung saan makakaharap nila ang kinatawan ng Kamara o House contingent.

Giit ni legarda, hangad ng Senado na malutas na nang tuluyan ang mga isyu sa pambansang pondo.

Una rito, sinabi naman ni House appropriations committee chairman Rolando Andaya na hiling rin ng Kamara na magkaroon ng pormal na diskusyon hinggil sa isyu ng pondo.

Samantala, binawi na naman ng Kamara ang isinumite nila sa Senado na enrolled copy ng 2019 budget matapos itong ipag-utos ni House Speaker Gloria-Macapagal Arroyo.

with report from Patrol 19 Cely Ortega-Bueno

Suarez binanatan si Lacson

Binanatan ni House Minority Leader Danilo Suarez si Senador Panfilo Lacson, kaugnay ng naging pahayag nito na galit siya sa mga pulitkong matakaw at ganid sa pera ng taumbayan.

Ayon kay Suarez, hindi maaring matawag na katakawan sa pera ang pagtalima nila sa hiling na proyekto ng mga constituents na puro “itemized.

Aniya, mas mabuti pa ang Kamara dahil tinutukoy nila ang bawat proyektong nakapaloob sa pambansang pondo.

Dagdag pa ni Suarez, posibleng may nangyayaring pulitka sa likod ng 2019 budget kung saan nagsusumbong ang mga kongresistang may maliit na alokasyon sa mga kaalyadong senador.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -