Saturday, May 18, 2024

PH debt naitala sa bagong record high na P7.16-T nitong Setyembre

- Advertisement -

Naitala nitong Setyembre ang panibagong record high na utang ng pamahalaan ng Pilipinas na umabot sa P7.160 trillion.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury, nadagdagan ng P55.92 billion ang utang ng bansa nitong Setyembre kumpara noong Agosto.

Kabilang dito ang domestic debt o panloob na utang ng bansa na pumalo sa P4.587 trillion at P5.572 trillion sa foreign debt o panlabas na utang ng bansa.

Ayon sa Bureau of Treasury, ang paglobo ng utang ng bansa ay bunsod ng pagkuha ng mga foreign loan ng Pilipinas na umaabot sa P22.52 billion.

Gayundin ang P29.68 billion na epekto ng pagsadsad ng halaga ng piso kontra dolyar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -