‘Big time’ oil price rollback asahan ngayong weekend

0
45

Asahan na ang panibagong big time oil price rollback simula ngayong weekend.

Una nang nag-anunsyo ng tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum Philippines.

Batay sa anunsyo ng Phoenix Petroleum, epektibo ngayong alas sais ng umaga, mababawasan ng P1.65 ang kada litro ng kanilang gasolina habang .65 naman sa kada litro ng kanilang diesel.

Inaasahan namang mag-aanunsyo rin ng tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Una nang sinabi ng Departmemnt of Energy na ang panibagong oil price rollback ay bunsod ng mababang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado simula noong Agosto.