Saturday, May 18, 2024

PH Coastguard nailigtas ang 10 Chinese tourist sa Bohol

- Advertisement -

Nailigtas ng Philippine Coastguard ang 10 turistang Chinese nationals sa Balicasag Island sa Bohol.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilio, tumirik ang sinasakyan nilang bangka habang sila ay nasa naturang isla.

Natanggap ng coast guard Bohol station ang report at agad naman itong nagpadala ng rescue boat sa pinangyarihan ng insidente.

Matapos ang isinagawang rescue operations ay nadala sa Tagbilaran Port ang mga Chinese at naalamang nasa maayos na kalagayan ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -