Megastar Sharon Cuneta naging emosyonal sa pag-iwan sa anak sa NYC

0
50

Naging emosyonal si Mega Star Sharon Cuneta nang iwan niya ang kanyang anak na si Frankie sa New York City sa Amerika para mag aral.

Nagpost ng litrato na hawak ang kamay ng anak ang singer sa kanyang instagram account at dito inilabas ang kanyang nadarama.

Aniya, nararamdaman daw niya ang stress at sakit kapag naiisip niyang iniwan na niya ang kaniyang anak sa New York City.

Sobra na raw niya itong namimis ngunit ayaw niyang maging makasarili kaya hinayaan niya si Frankie na makapag-aral sa abroad para matupad ang mga pangarap nito.

Matatandaang hindi lamang si Frankie ang anak ni Sharon na nag aral sa abroad.

Ang panganay nitong si KC Concepcion ay nag aral naman sa Paris, France at nakapagtapos sa kursong international communications noong taong 2007.