MMDA tutulong na rin sa inspeksyon sa mga vape shops

0
48

Tutulong na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pag-iinspeksyon sa mga vape shops na malapit sa mga paaralan sa loob ng Metro Manila.

Kabilang dito ang mga nasa 100 perimeter ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

Alinsunod sa administrative order ng Department of Health (DOH), ipinagbabawal na ang paggamit ng electronic cigarettes at vapes sa pampublikong lugar.

Matatandaang sa pag aaral ng MMDA noong 2018 ay nasa halos 700 vape stores na ang nasa loob ng 100 perimeter area na malapit sa mga eskwelahan sa buong Metro Manila.