PH at Japan nakatakdang lumagda sa P18-B loan sa pagsasaayos ng MRT 3

0
50

Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at Japan sa P18 billion loan para maisaayos ang MRT 3.

Ipinabatid ng Ministry of Foreign Affairs ng Japan na nakasaad sa loan agreement ang point one percent kada taon na loan kasama ang repayment period na 28 taon.

Inaasahan namang aabutin ng 43 buwan ang rehabilitasyon at maintenance ng buong MRT 3 train system.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng assessment ang mga engineers ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries para sa naturang proyekto na kinabibilangan nang pag kumpuni sa sirang riles, escalator, elevator at iba pang depot equipment ng MRT 3

Isasailalim sa rehabilitasyon ang radio system, CCTV system, signaling system, power supply system at public address system.