Duterte nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng landslide sa Mountain Province

0
53

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng landslide na naglibing sa isang gusali ng gobyerno sa Mountain Province.

Kaugnay nito, tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tuluy-tuloy ang pagkilos ng gobyerno para mahanap ang survivors kasabay ang patuloy na pagdarasal para sa mga nawawala pa.

Mahigpit na aniya ang direktiba ng pangulo sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na kaagad tulungan ang mga biktima at kanilang pamilya at i-rehabilitate ang mga lugar na binayo ng bagyo kabilang ang clearing at repair ng mga lansangang naapektuhan ng bagyo.

Ipinabatid pa ni Panelo na bibisitahin ng pangulo kasama ang cabinet members ang mga apektadong lugar para mabatid ang tunay na sitwasyon sa mga nasabing area.