Halos 2-B pisong halaga ng shabu nasabat ng PDEA at BOC

0
42

Halos dalawang bilyong pisong halaga na naman ng shabu ang nasabat ng PDEA o Phil Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs.

Nakita ang 276 kilo ng shabu sa isang container sa Manila International Container Port na nakabalot sa tea bags at nasa mga sako na idineklarang naglalaman ng plastic resin.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang Vietnamese authorities ang nagbigay sa kanila ng tip hinggil sa pagdating ng shabu sa bansa na galing di umano sa Chinese triad.

Napag alamang ang impormasyon ay nakuha matapos namang maka kumpiska ang Vietnamese authorities ng 300 kilos ng high grade shabu sa kanilang bansa noong March 20.