Naghain ng petisyon sina dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares at ilang miyembro ng Makabayan bloc sa Korte Suprema upang maglabas ito ng TRO laban sa Chinese-funded na Chico River project.
Sa isinumiteng 67-page na dokumento, ang nasabing kasunduan ng Pilipinas at China ay lumabag sa ilang provision ng 1987 Constitution.
Ayon kay Colmenares, halos sinanla na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa pagpasok nito sa loan agreement sa pagitan ng China.
 âSinanla ni President Duterte halos yung Pilipinas diyan sa âChico loanâ. Isa diyan siyempre yung pag-sanla ng ating patrimonial assets dito sa Pilipinas o mga government property kapag hindi tayo makabayad.â Pahayag ni Colmenares.
Aniya ng dating mambabatas na inaagaw ng Tsina ang West PH Sea at ilang territory kayaât dumulong sila sa SC upang i-void ang nasabing loan dahil ito ay unconstitutional.
âInaagaw na nga yung territory natin sa West PH Sea pati dito sa loob ng Pilipinas ibibigay pa natin sa Tsina. So talagang humihingi kami sa Korte Suprema na i-void ang loan na ito because it is unconstitutional.â Ani Colmenares.
Samantala, matatandaang nagbabala si SC Associate Justice sa posibilidad na maaaring makuha ng China ang mga patrimonial asset kung hindi mababayaran ang mga utang nito sa China.