Peter Joemel Advincula pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa

0
65

Pansamantala ng malaya si Peter Advincula o mas kilala bilang si alyas “Bikoy” matapos nitong magpiyansa para sa kasong estafa na isinampa laban sa kaniya.

Ito, ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, kung saan sinabi nitong nag-piyansa si Advincula ng tig P1,000, para sa anim na bilang ng kasong estafa na kinakaharap nito.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ni Banac na bagama’t nakapag-lagak na ng piyansa si Advincula ay naka-confine pa rin ito sa PNP General Hospital.

Gayunman, maari na rin anIya itong umalis sa naturang ospital, sa oras na bigyan ito ng clearance ng kaniyang doktor.

Una rito, isinugod kahapon si Advincula sa ospital matapos nitong makaranas ng pagkahilo at paninikip ng dibdib.

Matatandaang, si Advincula ang lalaking nagpakilalang si alyas Bikoy sa serye ng video na tinaguriang “Ang Totoong Narco-list”.

—–