300,000 kilo ng basura narekober sa Manila Bay

0
43

Narekober ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang halos 300,000 kilo ng basura sa Manila Bay.

Ayon sa pamunuan ng PRRC, pumalo sa kabuuang 278 kilo ng basura ang kanilang nakolekta sa Manila Bay, mula nitong Abril 27, hanggang Mayo 23

Paliwanag ng ahensya, tuwing panahon ng tag-init ay bumababa ang lebel ng tubig mula sa Laguna De Bay, kung saan nag reresulta ito ng “backflow’ ng basura sa manila bay hanggang sa Pasig River.

Samantala, tiniyak naman ng PRRC na ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng clean-up operations sa ilog Pasig.

—–