Palasyo muling binanatan si Trillanes

0
92

Muling binanatan ng MalacaƱang si Sen. Antonio Trillanes IV ilang linggo bago matapos ang termino nito bilang senador.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat nang ihanda ni trillanes ang kaniyang sarili, dahil posibleng patung-patung na kaso ang kaniyang harapin.

Ito ay kaugnay ng naging akusasyon ni Peter Advincula alyas Bikoy kung saan, itinuro nito si Trillanes bilang utak, ng “ang totong narcolist” video, kung saan isinangkot ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon pa kay Panelo, ikinakatuwa nila dahil sa wakas ay malapit nang umalis sa senado si Trillanes.

Aniya, malinaw na black propaganda ang serye ng video dahil lumutang ito, bago mag-eleksyon.

Una rito, magugunitang itinanggi naman ni Trillanes ang mga naging alegasyon ni Bikoy.

—–