Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar sa QC bawal na

0
73

Mahigpit nang ipinagbabawal ang paggamit ng vape sa mga pampublikog lugar sa Quezon City.

Sa ipinasang ordinansa sa QC, ipinagbabawal na ang paggamit ng vape sa simbahan, ospital, health care center, public transport, tanggapan ng gobyerno, recreational at education center para sa mga bata.

Maaari lamang mag-vape sa isang closed na lugar na itinakda ng mga pribadong gusali at iba pa.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng isang libo (P1,000) para sa first offense , P2,500 sa second offense at P5,000 para sa third offense at tuluyang pagpapawalang-bisa ng license to operate ng isang negosyo.

—-