Saturday, May 4, 2024

Permit ng mga bagong telecommunications companies aprubado na

- Advertisement -

Inaprubahan na ang 933 mga telecommunication permits mula sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa nakalipas na dalawang buwan.

Dahil dito, maaari nang simulan ng mga telecommunications companies ang pagtatayo ng kani-kanilang cell site towers upang mapalawak pa ang serbisyo ng komunikasyon sa bawat sulok ng bansa.

Tiniyak naman ng  Anti-Red Tape Authority (ARTA) na magkakaroon na ng bilis sa komunikasyon sa mga susunod na buwan oras na maitayo na ang mga karagdagang tower ng mga telecommunication companies.

Matatandaang, tinaningan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang SONA ang ARTA upang agad na kumilos at tulungan ang mga telcos na mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga aplikasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img