31.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Food Processing Negosyo Kits Ipinamahagi Sa Iriga City

- Advertisement -

Iriga City –— Ipinamahagi kaninang hapon ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Iriga sa pangunguna ni Mayor Madel, ang mga Negosyo Kits sa kanilang mga napiling benepisyaryo. Bukod dito, nakatanggap din sila ng tig-iisang sako ng bigas na mula kay Mayor Madel at sa LGU kabilang na ang libreng sakay sa paghatid ng mga benepisyaryo pauwi sa kani-kanilang lugar. Ginanap ang nasabing programa sa Barangay San Francisco Covered Court, Iriga City.

Kabilang sa mga namahagi ng Negosyo Kits ay sina Mayor Madel, Ma’am Junie Mora ng DTI Cam. Sur Provincial Office at si Punong Barangay Marc Jhames Temeña.

Ang programang ito ay tulong ng pamahalaan upang magkaroon ng dagdag na kita at makarecover ngayong panahon ng pandemya ang mga Irigueño.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga, Photo by Iriga City Official FB Page)

 

(Source: DTI Camarines Sur Provincial Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -