Peralta ipinag-utos na isara muna ang mga korte sa bansa dahil sa COVID-19

0
13

Ipinag-utos na ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pagpapasara sa lahat ng mga korte sa bansa sa gitna ng nararanasang banta ng bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Epektibo sa Lunes, Marso 23 ang pagpapatupad ng physical closure ng lahat ng korte sa Pilipinas.

Ito ay sa bisa ng nilagdaang administrative circular ni Peralta bilang tugon sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas, at dahil na rin sa mga umiiral na enhanced community quarantine.

Gayunman, tiniyak naman ni Peralta na hindi naman mapaparalisa ang sangay ng hudikatura sa naturang direktiba dahil magpapatuloy pa rin naman ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng work from home arrangement. Ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng work from home arrangement.

Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Peralta na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos na sumailalim sa pagsusuri dahil nakitaan siya ng sintomas ng nasabing virus.