Ilang mga Pinoy sa iba’t-ibang bansa nagpositibo sa COVID-19

0
34

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang mga Filipino sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Batay sa ulat, apat na Filipino pa ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Sa naturang report, dalawang Filipino mula sa Singapore, isa mula sa South Korea at isa mula sa Kuwait ang nagpositibo sa virus.

Dahil dito, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na nasa 120 mga Filipino na ang nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo.