DOH nagpaliwanag kung bakit isinailalim sa COVID-19 testing ang mga opisyal ng gobyerno

0
20

Binigyang linaw na ng Department of Health (DOH) kung bakit isinailalim sa COVID-19 testing ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa kabila ng limitadong testing kits sa bansa.

Ito kasi ay matapos na mapag-alamang sumailalim sa testing ang ilang opisyal ng pamahalaan sa kabila mahigpit na criteria ng DOH bago maisailalim sa testing ang isang pasyente.

Sinabi ni Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, noon kasing isinailalim sa testing ang ilang opisyal ng pamahalaan ay pasok pa ito sa kanilang criteria na, travel history sa isang lugar na apektado ng virus at flu-like symptoms.

Batay kasi sa bagong criteria ng DOH, ang mga indibidwal na mayroong travel history sa mga lugar na mayroong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay hindi maaring isailalim sa pagsusuri.