PDEA hindi magpapasindak sa mga sindikato

0
50

Tiniyak ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na hindi ito magpapasindak sa mga sindikato.

Ito ay matapos ang nangyaring pamamaslang sa isang PDEA agent sa Camarines Norte, kung saan natagpuang tadtad ng bala ang bangkay ni PDEA Agent Enrico Barba.

Ayon kay Christian Frivaldo, regional direktor ng PDEA Bicol, mas lalo pa aniyang paiigtingin ng PDEA ang laban nito kontra iligal na droga.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng PDEA na aabot sa P200,000 pabuya ang matatanggap ng sinumang makapagtuturo sa responsable sa nangyaring pamamaslang.