Tuesday, May 7, 2024

Problema sa droga sa bansa napako pa rin — Pangilinan

- Advertisement -

Naniniwala ang isang senador na napapako pa rin ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na lulutasin nito ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang naging reaksiyon ni Sen. Kiko Pangilinan matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na halos natupad na niya ang kaniyang mga ipinangako nuong kampanya maliban lamang sa pag-lutas sa matinding traffic sa EDSA.

Ayon sa Pangulong Duterte, ang matinding pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA ay bunsod ng pagtanggi ng Kongreso na pagkalooban siya ng emergency power.

Giit naman ni Pangilinan, malayo sa katotohanan ang naging pahayag na ito ng pangulo dahil mas lalo pa aniyang tumindi ang pangamba ng mga mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng kriminalidad.

Bukod pa dito, patuloy rin aniya ang pagpasok ng bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa bansa kung saan tila wala pa rin napaparusahan na mga opisyal na sangkot sa pagkakapuslit na ito.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img