Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang katolika na payagang ikasal ang mga pari at obispo, upang masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng sexual abuse ng mga lider ng simbahan.
Sa isang talumpati, inamin ng pangulo na kung papayagang mag-asawa ang mga lider ng simbahan ay mababawasan ang kaso ng sekswal na pang-aabuso na ginagawa ng ilang mga pari.
Kasabay nito, muli namang binatikos ni Pangulong Duterte ang posisyon ng simbahan hinggil sa same sex marriage at paggamit ng contraceptive pills.
Ayon sa pangulo, aabot na sa isang daan at pitong (107) milyon ang populasyon sa bansa, kaya’t napapanahon na aniya na bigyan ng importansiya ang praktikalidad upang malutas ang problema sa ating bansa.