PDEA Bicol patuloy ang kampanya kontra ilegal na droga

0
5
(Photo courtesy of PDEA IV)

Patuloy ang isinasagawang kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng kanilang anti-illegal drugs awareness and advocacy program.

Umiikot ngayon ang PDEA sa mga paaralan sa rehiyon upang ipabatid ang kanioang kampanya na layong makaiwas ang mga kabataan sa paggamit ng ilegal na droga.

Dito tinatalakay ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot at ang masasamang idinudulot nito sa kalusugan bilang isa sa mga paraan ng PDEA Bicol para maihatid sa nakararami ang kanilang kampanya na mawakasan ang ilegal na aktibidad ng mga ipinagbabawal na gamot sa rehiyon.
(Emman Lumapag)

 

Leave a Reply