Integridad ng war on drugs ng pamahalaan kinuwestiyon ni VP Robredo

0
11

Kinuwestiyon ni Vice President at ICAD Co-chairperson Leni Robredo ang integridad ng war on drugs ng pamahalaan dahil sa iba-ibang bilang ng mga lulong sa droga sa bansa.

Ayon kay Robredo, isa ito sa nakikita niyang problema dahil hindi tugma ang ulat ng mga ahensiya ng pamahalaan at sa ulat ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa bilang ng mga drug users sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Robredo na hindi pa kailangang manghimasok ng international body sa war on drugs ng pamahalaan.

Aniya, bagamat bukas siya sa imbestigasyon ng United Nations o U.N ay nais muna niyang maayos ang problema ng Pilipinas sa illegal drugs.

Paliwanag ng pangalawang pangulo, ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga ay isang internal affairs at ito ang dahilan kaya’t nakikipag-pulong siya sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Dagdag pa nito, kung talagang hindi maparurusahan ang mga pag-abuso sa war on drugs ay papayagan na niya ang U.N na imbestigahan ito.

Matatandaang bumoto ang United Nations Human Rights Council o UNHRC pabor sa resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang mga pagpatay na may kinalaman sa war on drugs ng Duterte administration.

“Yung numero ngayon na ginagalawan 1.8 yung sa DBB noong 2016, ngayon yung working number ay 4 million, again that’s an estimate. Alam naman natin before na lumabas yung 7 to 8 million, pero as far as the ICAD is concerned, yung ginagamit na numero ngayon is 4 million,” ani Vice President Leni Robredo.