PCSO outlets mananatiling bukas sa buong Metro Manila sa gitna ng COVID-19 outbreak

0
8

Mananatiling bukas ang mga outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  sa buong Metro Manila, sa gitna ng lumalalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak ni PCSO General Manager Royina Garma na bagamat tuloy ang kanilang operasyon ay mayroon silang nakalatag na precautionary measures upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng kanilang mga emplayado lalo na sa mga nasa field.

Naka handa na aniya ang kanilang ahensya na magpalabas ng apatnaraan at dalawamput apat na milyong pisong pondo para sa mga programa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, inaanyayahan ni Garma ang publiko na suportahan ang kanilang lotto operations gayung lahat ng kontribusyon ay mapupunta sa mga mangangailangan sa kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.