27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

OFW nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 120 —DOH

- Advertisement -

Umakyat na sa 120 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang bansa.

Batay sa pinaka huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), 80 ang mga Pilipino na nagpositibo sa MV Diamond Princess cruise ship sa Japan.

77 rito ay nakarekober na habag ang tatlo ay nananatiling nasa ospital sa Japan.

19 naman ang mga Pilipino na positibo sa COVID-19 sa Grand Princess cruise ship sa California at wala ni isa rito ang naka-rekober na sa naturang virus.

Bukod dito, siyam naman ang apektado ng COVID-19 sa Singapore, apat sa United Arab Emirates (UAE), dalawa sa France, at isa sa Switzerland.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -