Ilang kumpanya ng langis magpapaptupad ng big-time rollback ngayong linggo

0
16

Magpapatupad ng malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis epektibo 6:00 a.m. ng umaga bukas, Marso 17.

Batay sa anunsiyo ng mga kumpanyang Shell, Seaoil, Petro Gazz at Caltex, tatapyasan nila ng P4.25 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasoline at diesel.

May P4.35 na bawas naman sa kada litro ng kerosene ang Shell at Caltex.

Habang magpapatupad naman ng P4.00 kada litrong kaltas sa gasolina at diesel at P4.50 kada litrong bawas sa kerosene ang Flying V at Petron.

P4.00 kada litro rin ang tapyas presyo ng clean fuel sa kanilang gasolina at diesel na sinimulan na nila noong sabado ng hapon.

Samantala, muli namang magkakaltas ng P1.25 kada litro sa gasolina at diesel ang Phoenix Petroleum bilang karagdagan sa P3.00 kada litro na ipinatupad nila noong biyernes.