PCOO naniniwalang magiging matagumpay ang BOL

0
45

Naniniwala ang PCOO o Presidential Communications Operations Office na magiging matagumpay ang Bangsamoro Organic Law o BOL, kung isusuko ng mga rebeldeng Muslim ang mga hawak nitong armas.

Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, patuloy na magiging banta sa seguridad ang mga rebeldeng Muslim kung hindi isusuko ng mga ito ang kanilang mga armas.

Paliwanag nito, kung hindi isusuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas ay malaki ang posibilidad na mag alsa ito laban sa pamahalaan.

Matatandaang batay sa resulta ng plebesito para sa BOL, napabilang ang lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Tawi-Tawi, Marawi City, Lamitan City, Cotabato City at 63 barangay sa North Cotabato sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.